AIREEN NAGISING ako nang marinig ang pag-dive sa pool na malapit sa kama. Nagmulat ako para tingnan ang nag-dive. Mula sa kinahihigaan ko ay natanaw ko ang paglangoy ni Gavriil sa infinity pool. Ito ang maganda dito, kita agad ang nasa pool. Halos isang dipa yata ang layo noon sa kama. Kagabi, nakasara ang pintuan doon, ngayon naka-open, kaya kita ko agad ang magandang paligid. “Morning, gorgeous,” bati sa akin ni Gavriil. Nakatukod ang mga braso niya sa gilid ng pool tapos nakalubog naman ang katawan. “Morning din, handsome.” Dumapa ako para makita siya nang maayos. “Ang aga mo,” ani ko sa kanya. “Nagising ako sa alarm. Nakalimutan kong patayin.” Napataas ako ng kilay. “Okay.” Papasikat pa lang ang araw noon kaya doon ako napatingin. Maganda pala talaga ang nakuha ni Gavriil. N