AIREEN NAKATULOG ulit ako dahil sa tagpong iyon. Nagising lang ako dahil sa tawag mula sa magulang ni Gavriil. Hinanap nila sa akin ang asawa pero dahil wala sa suite ang asawa ay pinakausap na lang ako kay Maria. Masayang-masaya ako nang makita siya. Gusto ko sanang ibalita sa kanya na okay na kami ng Daddy niya, kaso hindi pa niya ako maiintindihan. Dumating si Gavriil na may dalang prutas at ilang bag na hindi ko alam ang laman. Nagulat ako nang ibigay niya sa akin ang gamot na binili niya. May kasamang mineral water rin. “Take that baka lagnatin ka.” “Bakit naman ako lalagnatin?” “Dahil sa ginawa natin. May two days pa tayo rito. Sayang naman kung hindi natin masulit,” aniya sa akin. Napanganga na lang ako. Medyo masakit nga ang katawan ko ngayon pati ‘yong baba ko. Nagpaala