AIREEN HAPON kami nang magpasyang mamasyal. Natulog lang kami ng ilang oras na magkayakap. Hindi matawaran ang saya ko noon. As in naninibago ako sa buhay may-asawa. Masayang-masaya ako sa mga pinaparamdam ni Gavriil. Maaga pa para sabihin pero parang nai-inlove na rin sa akin si Gavriil. Kakaiba ang mga tingin niya sa akin. Panay din ang tingin niya sa phone ko kung may nagte-text sa akin na ibang lalaki. Na-open niya rin sa akin na sobra siyang natakot na baka sumama raw ako kay Nolan nang araw na hindi ako umuwi. Hindi niya alam noon na lumipat ako. Sabi ko nga sa kanya, lumipat na rin si Nolan dahil na-assign sa ibang branch ng hotel. Saka wala akong contact sa kanya. Nakikita ko lang kako siya at nakakausap kapag nagkakasalubong or nakakasakay. Saka wala akong time mag-entertain kak