Chapter 20: Nonchalant

1816 Words

AIREEN MAINGAT ang mga hakhang ko na naglakad para hanapin ang asawa. Wala siya sa sala. Natagpuan ko siya sa gilid malapit sa pool. Mula kasi sa sala, pwede mong ma-access ang pool ng suite na iyon. Nakita ko siya bandang puno malapit sa malaking pader. Pero wala na siyang kausap no’n. Mukhang malalim ang iniisip. Sigurado na akong tungkol ito kay Lola. Bumalik ako ng kama bago pa niya ako maabutan. Nakatagilid ako kaya hindi niya malalaman na gising ako. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang yabag niya, lumundo rin ang kama kaya napapikit ako. Pinakiramdaman ko siya. Wala na siyang galawan after no’n. Napasinghap ako nang maramdaman ang halik niya sa aking balikat. Nagkunwaring gumalaw ako saka nagmulat. Bago pa man ako makabaling sa kanya ay niyakap na niya ako nang mahigpit, k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD