AIREEN “HOW dare you?!” ani ko nang makuha sa bisig ni Lola si Maria. Tumingin din ako kay Gavriil na mabilis ang mga hakbang palapit sa amin ni Maria. “Dyan ka lang!” ani ko nang magtangkang lumapit siya sa akin. “Aireen, let me explain. Hindi ko alam—” “Well, alam ko. Alam kong alam mong nandito siya, naghihintay sa pagbalik mo. Para saan? Huh?” Nahagip nang tingin ko ang pagpalis ni Gavriil ng kamay ni Lola. Pero binalewala ko iyon, tumalikod ako sa kanila. Akmang papasok ako nang makita ang Mommy ni Gavriil na nagmamadali. “Oh my God! I thought nawawala si Maria. Pumasok lang ako ng banyo, paglabas ko wala na siya.” Naningkit ang mata ko na tumingin kay Lola. Kung wala lang ang Mommy ng asawa, baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya. “Kanina pa ba kayo, anak? Umalis lang si A