AIREEN “PLEASE, leave me alone, Gav,” pakiusap ko sa kanya, sabay takip ng tainga. May sinasabi siya sa akin pero ayoko nang marinig. Dahil oras na magpaliwanag siya, malilito na naman ang damdamin ko, papaniwalaan ko na naman siya. Nakita kong iginiya siya ni Demi palabas ng silid na iyon. Nang masiguro na nakalabas na ang mga ito ay ini-lock ko iyon. Ayoko munang makausap sila. Si Lola ang kausapin nila since siya naman talaga siguro ang gusto nila— hindi ako! Wala akong ginawa kung hindi ang ikuyom ko ang mga kamao ko para hindi ako umiyak nang umiyak. Paparating si Papa kaya hindi niya ako pwedeng makita sa ganitong kalagayan. Siguro mga kalahating oras lang ako na ganoon, dahil mayamaya lang ay may kumatok sa silid na iyon, at familiar sa akin ang boses. “Aireen, anak?! Ako to…”