“Hello, Louisa?” ani Haris nang sagutin ang tawag ni Louisa. He even heard her sigh a bit before speaking to him in her gentlest tone. “Haris, kamusta ka na?” He sighed gently too. “Ayos naman ako. Ikaw?” Kahit na may hindi sila pagkakaintindihan, hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili na namimiss niya ito at hindi naman nababawasan ng kahit konti man lang ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa dalaga. “Heto, maayos lang din.” “Uhm, nakita ko nga pala ‘yung latest post mo sa social media account mo…” umpisa nito na tila nag-aalinlangan. “Group photo. Nagkita-kita kayo ng ibang batchmates natin?” “Ah, ‘yon ba? Oo. Out of the blue, nagkayayaan lang bigla sa group chat kaya hayun.” Louisa bit her lower lip. “Si Cora nga pala… okay na ulit kayo, ano?” Medyo kumunot ang noo ni H

