Hyper na ang tinig at tila good mood na ang kapatid ni Louisa sa pagtatanong. “Ha? Ah, diyan lang sa labas, Mau. Magpapahangin saglit,” pagsisinungaling niya. Siyempre, hindi pupuwede niyang sabihin sa ngayon na pupunta siya’t makkikipagkita kay Haris lalo pa’t alam niyang hindi pa talaga bukas ang loob nito ngayon sa huli. Bigla ay lumambing ito sa kanya. Lumapit tapos ay kumumyapit pa sa kanyang braso saka pinatong ang ulo sa balikat niya. “Mamaya na ‘yan, ate, or next time na!” “Maui, hindi kasi pupuwede, eh,” naiilang na rason niya. Natural hindi pupuwedeng ipagpaliban dahil naghihintay si Haris sa kanya. “Bakit naman hindi puwede? Sabi mo magpapahangin ka lang.” Nahimigan na niya ang tampo sa tinig nito. She almost bit her lower lip. Paano ba niya pagsisinungalingan ‘to… “Oo n

