TWELVE: “Nalululong sa sariling mga kahibangan…” Hindi makapag-focus si Harris ng tama sa kanyang mga ginagawa at kasalukuyang pinagkakaabalahan dahil lumilipad o mas tamang sabihing nakay Louisa pa din ang kanyang isip… He couldn't help himself but think of her, at kung kamusta na kaya ang lagay ng dalaga sa ngayon. Kamusta na kaya ang kondisyon nito? Nagising na kaya? Kumakain ba ito ng tama? Nagpapahinga ba para mabawi ang lakas… He was in the middle of his thoughts for her when suddenly his phone rang. Nang tingnan niya'y si Ivy ang tumatawag kaya mas mabilis pa sa alas kuwatro na sinagot niya ang tawag. "Hello, Ivy? Ano? Napuntahan mo ba si Louisa? Kamusta na ang lagay niya? Kamusta raw siya? Anong findings sa kanya? Maayos na ba siya ngayon?" sunud-sunod pa ngang tanong niya.

