THIRTEEN: "Who k*lled who?" Dumating ang araw na nakauwi na ulit ng Pilipinas si Maui, ang nag-iisa at pinakamamahal na kapatid ni Louisa. At siyempre dahil nga mahal na mahal niya’y natutuwa siyang makita ulit ito. “Maui!” halos tili pa nga niya nang mamataan at salubungin niya ng yakap nang sinundo mismo niya personally sa airport. “Ate Louisa!” Maging ito rin ay labis na natutuwa na makita ulit siya tapos ay mahigpit na yakap nga ang unang naging salubong nito sa kanya. “How are you, Maui? Namiss kita, ah!” “Heto maganda pa din!” biro nito sabay makulit na hagikhik. Napangisi siya. “Ikaw talaga!” “Namiss din kita, ate!” Sa muli ay parang batang naglambing itong yumakap sa kanya. Dumiretso sila sa kanilang family house kung saan naghihintay ang kanilang ina at naghanda para sa pa

