FOURTEEN: "To visit him..." “YOU know, Fel, we should have called our son first to, at least, have him informed na pupunta at bibisita tayo sa kanya ngayong araw sa opisina niya,” ani Susanita Legazpi habang naglalakad silang mag-asawa sa kalawakan at katayugan ng building ng Lass Liqours. It was out of the blue na nagkayayaan silang mag-asawa na puntahan at bisitahin ang kanilang anak dito sa kompanyang Lass Liqours. “Hayaan mo na. It’s not bad to sometimes surprise our son. Nag-iisang anak na lang natin siya ngayon kaya alam kong maiintindihan naman niya tayo if we sometimes ask for his time and attention,” nakangiti naman at marahang tugon ni Felicisimo Legazpi, ang daddy ni Haris at ang asawa ni Susanita na siyang ina naman ng huli. “Kunsabagay.” Tumangu-tango ang ginang at malungk

