“Ganoon talaga. Minsan malinis at maganda naman ang intensyon mo pero hindi nila naa-appreciate ‘yon at tingin pa nga nila nakikialam ka,” malumanay na opinyon ng kausap ni Louisa mula sa kabilang linya. “Sakto! Sinabi mo pa!” Bahagya silang nagkangisihan sa magkaparehong linya tapos ay dumaan ang saglit na katahimikan sa pagitan nila ng kasalukuyang kausap kaya nama’y nag-isip si Louisa na siya naman ang magtatanong upang may mapag-usapan… “Ikaw nga pala, nabanggit mo kaninang may pinagdaraanan ka rin ngayon. And correct me if I’m wrong usaping-puso din ‘yan, tama? Sabi mo, problema ninyo ng misis mo?” “Yes, exactly. Ang totoo niyan, my wife wants to file an annulment for our marriage,” malungkot na umpisang kuwento nito. “Oh!” bahagyang naibulalas niya sa pagkabigla at hindi mapigil

