“Oh, sorry! Wrong number! Sorry po,” mabilis na sunud-sunod at nahihiyang ani Louisa sa kausap sa cellphone na namali pala niya ng dial imbes na numero sana ni Haris ang kanyang tatawagan. “It’s okay. Ayos lang, Miss. You don’t have to apologize and besides, it’s no big deal,” marahan at mabait namang sinabi ng lalaki mula sa kabilang linya. “Ano kasi, eh. I was about to call someone, eh namali pala ako ng type ng huling number. Only then I realized nang magsalita ka na ng pangalan mong iba sa pangalan ng tatawagan ko sana,” she continued explaining. “It’s fine, really. No worries.” “Ah, sige ha? Pasensya ka na ulit.” Akmang ibababa na sana niya ang tawag nang maagap itong magsalita upang pigilan siya. “Wait!” Hindi nga tuloy muna niya tinapos ang tawag. “Yes? Is there anything else

