"Of course, Maui, there will be a man for you who is going to love you unconditionally. I always know that," anang ate Louisa ni Maui sa mapagpakumbaba nang tinig. Bumaliktad na ngang yata talaga ngayon ang sitwasyon at si Maui na itong nagtataas ng tinig na tila nagsesermon sa ate Louisa niya at ang ate Louisa niya'y nakikinig sa kanyang mga pangaral! "'Yon naman pala, eh! Then let Gabriel prove himself to me!" Nagbuntong si Louisa saka pinahuhupa na ang init ng kanilang mga ulo lalo na ni Maui. "All right. You know I'm just doing this, at naghihigpit ako dahil ikaw ang inaalala ko, Maui. Gusto ko lang na protektahan ka at ayokong sa anumang paraan ay mapahamak. All right, I understand you. At hindi na kita paghihigpitan." Sa wakas ay nag-lie low na rin si Maui. 'Yon lamang naman ang

