“ATE, huwag ka ngang praning diyan!” iritang ani Maui habang nakasunod sa ate Louisa niyang hindi na siya tinigilan katatalak at kasesermon kahit na hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay at nakaalis na rin ang sasakyan ni Gabriel. “Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin na nanliligaw na pala ang lalaking ‘yon sa ‘yo, Maui?!” Nang inalok kasi ni Louisa kanina si Gabriel na pumasok muna sa loob para magmeryenda ay magalang naman itong tinanggihan ng binata. Gustuhin man daw nito ngunit nagmamadali umano at may importante pa raw na lalakarin. Habang tinatanaw ang sasakyan nito papalayo ay panay pa rin ang magiliw na pagkaway ni Maui na tila ba mamimiss kaagad niya ito kahit na bago pa lamang silang nagkasamang dalawa. Sa totoo nga lang kung puwede lang ay ayaw na niyang malayo at mawal

