“I never knew na na-engaged ka na pala…” Hindi makatingin si Louisa sa mga mata ng kasalukuyang kasaway na si Haris. Ang mga palad nito'y nasa may kanyang baywang habang ang mga braso naman niya'y nakapulupot sa batok nito. "At least ngayon alam mo na," malamig lamang na sagot niya habang patuloy pa ring nakaiwas. Mapait na tumangu-tango ito at hilaw na ngumiti, very out of heart. "Tama ka, at masakit pa ring harap-harapan kong malaman sa pinakauna pang pagkakataon." She looked at him at what he said. Napakalungkot ng mga mata nito. Lalo pa niyang naramdaman ang tila pagkalukot ng kanyang puso. She wanted him hurting, right? Sa pinaranas nitong sakit sa kanya two years ago when she lost her only sister because of him, ninais niyang makaganti at maiparanas man lang dito ang masaktan.

