Awtomatikong napatingin si Louisa sa mga mata ng nobyong si Haris. "Ang ibig sabihin…" He smiled and nodded. "Oo naman! Hindi ako makikipag-break sa 'yo! Hindi ko gagawin 'yon, Louisa." "Pero pa'no si Cora? Ang pagkakaibigan ninyo? Hindi ba't mas nauna mo naman siyang nakasama bago mo pa ako nakilala at nagustuhan?" Tumangu-tango ito. "Tama ka. Mas nauna ko siyang makilala at maging kaibigan kaysa sa sa 'yo, pero hindi naman ibig sabihin nu'n na itatapon ko na lang lahat ng pagmamahal ko sa 'yo nang ganu'n-gano'n na lang." Now, she's totally speechless. Parang hindi magkamayaw sa tuwa ang kanyang puso! "When Cora dared me to break up with you for our friendship, I dared her too. Kung totoong kaibigan ko siya, maiintindihan niya ako't rerespetuhin niya kung sinong minamahal ko." Yes,

