Louisa silently followed Haris, who was running after Cora. “Teka lang, Cora!” Habol ni Haris dito. Narinig naman ni Cora ‘yon ngunit sadyang hindi pinansin o nilingon at dininig man lang ang kaibigan. Nang maabutan ay marahang hinawakan ito ni Haris sa siko, bagay na ikinatigil nga nito sa paglalakad tapos ay nilingon ang huli. Bahagyang nabigla pa nga ang binata nang makitang tuluy-tuloy sa paglandas ang mga luha ng kaibigan. “Oh?! Ano ba ‘yon, Haris? Bakit sinundan mo pa ako!” marahang sinanghal ni Cora kay Haris habang hindi makatingin sa mga mata ng binata. Hindi napigilan ni Haris na mag-alala. “Cora, ba’t ka umiiyak?” Of course, he wouldn’t believe na kaya ito umiiyak ng ganito ay dahil lang sa naging sagutan nito kay Louisa. There could be something more. “Haris, hayaan mo

