“You should've, at least, mentioned it to us, para naman no’ng Sabado at Linggo pa lang ay nagawa na namin ng President. Kung hindi pa napansin ni Auditor sa table niya itong mga clearances ng schoolmates natin, hanggang ngayon siguro nagtataka pa rin kami kung bakit walang pumupuntang students dito para magpasa ng mga clearance nila kasi nakapasa na pa sila last week pa.” Hindi na ito nagsalita at bagkus ay tinalikuran na siya para maupo sa table nito at gawin din ang mga assignments nito. Napabuntong-hininga na lamang si Louisa. Sinulyapan niya ang tambak na clearances na kailangan nilang pirmahan ni Haris. Overtime na naman malamang sila nito, para lang talaga magampanan nang maayos ang responsibilidad nila bilang officers! Hindi lang 'yon dahil nasundan pa ang pagtitimpi ni Louisa ka

