Umiling-iling ang kasalukuyang kausap ni Louisa, determinado ito at mukhang hindi maniniwala sa kanya. "No, I won't buy that, Louisa. You better tell me the truth. Si Anton ba ang may gawa nito? Sinaktan ka ba niya? Dahil ba 'to sa nangyari kahapon?" She was already panicking as she could sense danger dahil mukhang handa si Haris na sumugod sa kung sino mang demonyong perpetrator niya! "Haris, hindi! Walang gano'n. Walang kinalaman si Anton dito. Hindi niya magagawang saktan ako. I'm his fiancé, right? Kaya hindi niya magagawa ang sinasabi mo. Nadulas nga lang ako at naitukod ko ang braso ko kaya nagkaganito." Lahat na yata ng excuse ay pagsisinungalingan niya para lang mapagtakpan si Anton! "Really, Louisa? Walang nadudulas na ganyan kalala na halatang nagmarka ang braso dahil sa diin

