Napakuyom ang kanyang kamao sa naisip. Katulong? Baka nakakalimutan nitong fianceé nito ang dalaga at hindi mutchacha! Hindi ba dapat ay ito ang nagsisilbi kay Louisa at kahit papaano'y ipakita man lang nito ang pagiging gentleman, pero wala! Nagmistulan itong señorito! Pinanuod niya nang naihanda na ang order nina Louisa at dinala ng babae ang tray na maraming lamang mga pagkain at dalawang baso ng drinks ng mga ito. Maingat at nagdadahan-dahan pa nga na huwag mapatid, madapa o masagi sa kung saan para lang maingatang maihatid hanggang sa mesa ang mga pagkain. Kung si Haris lang, gustong-gusto na niyang puntahan si Louisa at tulungan ito. 'Ni hindi siya magdadalawang-isip na siya na ang magbuhat ng tray kaysa sa dito at ito na lamang ang maunang maupo sa table at maghintay sa kanya doon

