EIGHT: “Signing of contract.” “D*mn him! Ikaw na nga itong muntik niyang mabangga at maperwisyo, tayo pa ang humingi ng sorry sa kanya!” inis na anang boyfriend ni Louisa nang nagbibiyahe na sila’t nakaalis na sa building ng Lass Liquors. Louisa just remained silent, pinakikinggan lamang ang mga hinaing at himutok ni Anton na kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan. “Kapal ng mukha! Hindi man lang humingi ng despensa sa ‘yo! Porket alam niyang tayo itong may kailangan sa negosyo nila, eh!” patuloy pa nga ng lalaki. Hindi na lamang nagsasalita si Louisa. Alam niyang kahit na itinuloy ni Haris ang pagbangga at paghagip sa kanya o kahit pa nga napatay siya ng lalaking ‘yon ay nunkang hihingi ‘yon ng tawad sa laki ba naman ng galit sa kanya. Kung tutuusin ay