SEVEN: “An unexpected, bloody and dark reunion.” Lingid sa kaalaman ng dating nobya, pagkalabas pa lamang ni Louisa kasama ng kasalukuyang karelasyon nitong si Anton mula sa conference room, namataan ang dalawa ni Haris kaya madaling pinutol niya ang pakikipagkuwentuhan sa kanyang iilang senior associates at ini-excuse ang sarili upang lihim at tahimik na sundan ang magnobyo. Kahit hanggang sa parking lot ay hindi namalayan ang mga ito ang pagsunod ni Haris. Nakasilip siya nang pagkakataong malapitan si Louisa nang makitang bumalik sa loob si Anton dahil tila may nakalimutan ang huli kaya mataman namang naghintay si Louisa dito sa may parking lot area. He entered inside his luxurious sports car and he grinned evilly when he knew this was his very chance for a reunion with he