"Hsssh! Louisa! It's me!" marahang pag-aamo sa kanya ng taong nasa likod niya. Halos manlaki ang kanyang mga mata. At pinakawalan na siya nito. Gulat na hinarap niya. "Haris?!" Banayad na tumangu-tango ito. "Ako nga." "Anong ginagawa mo rito?!" aniya sabay sulyap sa nakasaradong pinto ng opisina ni Anton kung saan ay kalalabas lamang niya. Nagpalingon-lingon din siya sa paligid. Mabuti na lamang at tahimik ang pasilyo sa bahaging ito ng kompanya. Walang mga tao o mga empleyadong nagdaraan. Ang mga executives nama'y either nasa loob ng kanya-kanyang opisina at abala sa trabaho o nasa mga local and international business ventures. "Haris, ba't ka pumunta dito?" mariin pa ring tanong niya. Natatakot siyang baka biglang lumabas si Anton sa opisina nito tapos ay maabutan sila. "Nag-aala

