Tuluyang nanghina si Haris habang tinatanaw ang likod niyang papalayo. “Nangako ka, Louisa!” Wala na ring saysay dahil kahit na ano pang sabihin ni Haris ay hindi na ito muli pang nilingon ni Louisa. Nang makabalik sa pinag-park-ingan ng kanyang kotse at makapasok sa loob ng sasakyan, iniiyak ni Louisa ang lahat. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa mga kamay na nakahawak sa manibela at umiyak nang umiyak. This was what all she could do at the moment, ang iiyak ang sakit, sapagkat sinisiguro niyang sa mga susunod na kabanata’y siya naman at ang kaligayahan naman niya… Lumipas ang mga araw na walang pinalalampas si Haris sa pagti-text sa kanya, chat at baka sakali raw na magbago pa ang kanyang naging pasya. Kinailangan itong tiisin ni Louisa at masakit man sa kalooba’y ‘ni isa sa mga text

