Chapter 36 Paula Pasado alas-siete ng umaga na ako nakabangon kinabukasan. Pimipintig pa ang sintido ko kaya hindi ako kaagad nakatayo, kung hindi ko lang nakitang gising na rin ang dalawa kong anak ay hindi pa ako tuluyang makakabangon. Naiwan na akong mag-isa sa kama. I heard their heavenly giggles downstairs so I forced myself to wake up. I have to make them a breakfast. Iniisip ko ngang iyong binili kong fast food kagabi pero baka ayawan na nila iyon. Wala namang kumain kagabi. Nagtiklop ako ng kumot namin at inayos ang mga unan. Pinatay ko ang bentilador bago bumaba. Sa hagdanan pa lang ay naririnig ang tunog ng de bateryang kotse-kotsehan ni Earl. Isa iyon sa mga bigay kahapon ni William. Early in the morning iyon kaagad ang ginawa ng magkapatid, ayos na rin kaysa naman ay maabut