Chapter 35 Paula Kumuha ako ng bimpo sa taas at agad ding bumaba para punasan ng pawis at ang walang ampat na luha sa mukha nina Sue at Earl. Nagboluntaryo si Beth na punasan si Sue, lumuhod ako sa harapan ni Earl—I pursed my lips together when I saw his swollen eyes dahil sa walang-tigil na pag-iyak. Inabot ko ang bimpo para sana punasan ang pisngi niya, but he refused. Iniwas ang mukha at nilayo ang kamay ko. Tinutusok ang puso ko dahil nakikita ko siyang humahagulgol at mas nanikip ang dibdib ko nang ilayo niya ang kamay ko sa kanya. What would a mother felt when his son refused to wipe his tears by her own hand? Parang may na-detach sa akin. Sinubukan ko ulit, pero tinulak niya ulit ang kamay ko. I bit my lip nang uminit ulit ang mukha ko at bumalong ang luha sa mga mata ko. Hindi