Chapter 16

1014 Words

Kinaumagahan medyo tinanghali ako ng gising. Nagkatotoo tuloy ang dahilan ko kahapon na masakit ang ulo ko. Bumangon na ako at agad naligo. Sumunod na ako sa kitchen ng mansiyon dahil nakita ko na alas-siete na ng umaga. Isang oras na lang ay mag-aalmusal na ang mga amo namin. Walang tao sa kitchen kaya naman nagtaka ako, wala ding nakahanda na pagkain sa dining. Maging ang kitchen at ang center island ay walang nakahanda. Nag-almusal na kaya ang mga amo namin? Nakarinig ako ng yabag at hagikgikan na papalapit. Nakita ko sina ate Mely at ate Dona na malalaki ang ngiti sa labi at may mga bitbit pang tag-isang paper bag. "Ate, nakapaghanda na ba kayo ng almusal nina madam at sir?" tanong ko sa kanila. Nangiti sila sa akin at nilagay pa sa bandang likod ang pagkakahawak ng mga paper

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD