Dala ko ang tray na may mga slice fruits ay bumalik na ulit ako sa pool kung nasaan ang mga kaibigan ni sir Carl na nag-iinom. "Diyan ka na lang, dude." "Sira na imahe mo dito." "Narinig pa naman ang usapan namin na madami kang chix diyan." Dinig kong usapan nila habang tumatawa. "f**k you! Assholes!" Dinig ko ang sigaw ng kausap nila sa celphone. Naka-loud speaker ito pero ng nakita akong parating ay mabilis nilang kinuha ang celphone na nasa lapag ng mesa at dinikit sa tenga nila. "Hi, Scarlet, ang ganda mo," wika ng isa na kinakunot ng noo ko. Sabay-sabay silang tumawa ng malakas kaya naman halos mapatalon ako sa gulat. Iisipin ko na sana na ako ang pinagtatawanan nila ng makita ko ang pagdikit nila ng kanilang tenga sa iisang celphone. Napaka-weird at mukha silang mga tanga

