"Tama na, oh, heto inom pa," wika ni Ate Krishna sabay abot ng alak. Walang humpay ang pagtulo ng luha ko, sinisipon na din ako kakaiyak. Ang sakit na ng ulo ko mata. Maging ang dibdib ko ay kumikirot. Pakiramdam ko ginawa na naman akong tanga ni Aki. Dito na ako dumiretso sa bahay niya kanina, hindi ako puwede mag-iiyak sa bahay at baka mag-aalala lang sa akin si daddy. Inabot ko ang shot glass at agad ininom. Nagsalin naman agad ng panibago si Andrea at bingay sa akin. Ininom ko ulit habang patuloy pa ding nag-iiyak. Naalala ko ang mukha ni Carmie kanina habang gulat na gulat. Tapos ang mukha ni Amie na mukhang gulat din. Wala akong kahit ano man na sama ng loob kay Amie. Kay Aki lang ako naiinis dahil mukhang naglalaro lang siya. Kung wala bang dumating kanina plano niya

