Masakit ang ulo ko na gumising kinaumagahan. Pagkatapos magsara ng boutique kagabi ay dumiretso ako sa bar kasama ang mga pinsan ko. Alas-tres na ako nakauwi, sinundo ako ni kuya dahil lasing na lasing ako. Sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ko ay ininom ko na lang. Naghilamos lang ako at toothbrush saka ako bumaba. Nang makita ako nina nanay ay pinaghanda na nila ako ng pagkain. "Ma'am, may nagdeliver po ng bulaklak para sa'yo," imporma ng isang maid. Bumaling naman ako sa kaniya at nakita ko ang hawak niya na dalawang malaking bouquet. Sinabi ko na ipatong na lang muna sa center island table. Nakakunot ang noo nina nanay at bahagyang sinulyapan ang mga bulaklak. "Kay Drix iyan galing," wika ko. Tumango naman sila. After ko kumain ay saka ko lang nilapitan ang dalawang bo

