Kinausap ko ang doctor ng anak ni Amie. Maging ang billing ay pinuntahan ko na at binayaran ang existing balance nila maging ang mga nakapending na isasaksak na gamot at mga laboratories na gagawin sa kaniya. Pagkatapos ay lumabas ako ng ospital at naghagilap ng malapit na mabibilhan ng grocery at prutas para sa mag-ina. Nakakaawa ang mag-ina. Mukhang walang mga kamag-anak, ang nadatnan ko kanina na nagbabantay habang wala si Amie ay ang kapitbahay lang daw nila. Binigyan ko ng pera ang babae ng magpaalam na aalis na. Para naman kapag kailangan siya ulit ni Amie sa susunod na mga araw ay hindi mag-aatubiling tulungan siya. Puwede din sigurong papuntahin ko ang isang katulong dito para magdala ng pagkain para sa kaniya at halilian muna siya pag may gagawin siya. Tinext ko na din s

