"Oh, natagalan ka yata sa paghatid ng pagkain ni sir?" tanong ni ate Mely sa akin ng makabalik ako ng kusina. Mabuti na lang at busy sila ni ate Dona kaya naman hindi nila makikita na namula ang mukha ko sa tanong niya. "Ahm, pinahintay na matapos siyang kumain," sagot ko. Nagsuot na ako ng apron at tumulong na din sa paghahanda ng mga pagkain. Hindi na din nila ako inusisa pa kaya naman nabunutan ako ng tinik. Kabado pa man din ako at hirap humagilap ng idadahilan kapag nadagdagan pa ang tanong nila. Saktong alas-onse ng tanghali ay naihanda na namin ang dining. Nagsidatingan na din ang mga bisita kasama ang matandang amo namin. Nakatayo kami sa gilid ng dining habang nagsimula na silang dumating at umupo. Huling dumating si sir Carl, kasama niya ang ilan sa mga pinsan niya na si

