"Ah!" sigaw ko sa ilalim ng unan. Ilang ulit akong sumigaw dahil sa frustrations ko ngayon. Alas-dos na ng madaling araw pero hindi talaga ako dalawin ng antok. Dini-distract ko ang aking isip para maisalba ko ang aking sarili sa tuluyang pagka-baliw. Ilang libo na din ang nabilang kong tupa pero wala pa din. Damn this life! Bumangon ako at naglakad papunta sa aking mini ref. Naglabas ako ng beer at ininom. Kailangang makaidlip ako kahit ilang oras lang. Kaya naman pagkagising ko ng alas-siete ay masakit ang ulo ko. Hindi sa beer kundi sa pagkapuyat at sa stress na nararamdaman ko. Hindi ako nagmadali dahil nagawa ko pang magawa ang skin care routine ko at makapagsukat ng ilang damit bago mapagpasiyahang bumaba. Tuloy ay wala na sina daddy at kuya na kasabay kong kumain ng umag

