"Sorry. I'm late," wika ko at mabilis bumeso kay Drix bago naupo sa tapat niyang upuan. As always he's always dashing. "Maaga lang ako," aniya pero kita ko sa relo ko na fifteen minutes late na ako sa aming usapan. Nakakahiya at naghintay siya. Napatagal ako dahil sa pag-eemote na iyan. Kinumpas niya ang kaniyang kamay upang lumapit na ang waiter para sa order namin. Nagugutom na ako kaya naman dinagdagan ko pa ng dessert ang order ko bukod sa shake. "How's your day?" tanong ko kay Drix pagkatapos umalis ng waiter. "It's fine. You?" Bumuntong hininga ako kaya naman tinaasan niya ako ng kilay. "Stressful," makatotohanang sagot ko. Nilahad niya ang palad niya, binigay ko naman ang palad ko. Hinawakan niya ang palad ko gamit ang dalawang kamay niya habang ang dalawang hinalala

