Kapag nandiyan wala tayong pakialam at binabalewala natin. Pero kapag naman hindi natin makita, hinahanap-hanap natin. Doon lang natin makikita ang halaga. Hindi ko alam kung kanino ba applicable ang mga katagang iyan. Pero sa isang linggo na nagdaan, napaisip ako bigla. Noong nawala kaya ako at umalis hinanap kaya niya ako? Naisip kaya niya ang halaga ko sa buhay niya? Or gaya ng sinabi niya noon sa akin ay hindi niya talaga ako minahal. Kinapa ko ang dibdib ko bago ako yumuko sa aking mesa. Ilang araw ng kumikirot ito, feeling ko may sakit na ako sa puso. Ilang minuto akong pumikit at inaarok ang sariling damdamin. Napaangat ako ng ulo ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Mag-alas dose na at mga ganitong oras dumadating sina Alwin at Jetro. Pero ang sekretarya ko ang pumasok

