Napaluha ako ng maalala ko na naman ang nakaraan. Mabilis ko itong pinalis at matapang na tinignan si Aki na nasa harap ko habang naluluha ding nakatingin sa akin. "I'll do everything till you can trust and love me again." Pagkatapos mong sirain ang tiwala ko. Sa tingin mo gano'n gano'n lang iyon? "Stop playing. Don't fool me. Hindi na ako ang babaeng nagpakatanga sa'yo at luluhod lang para sa pagmamahal mo." Nailing siya habang may pagsusumamo na nakatingin sa akin. He keeps on whispering I'm sorry. "Baka nakakalimutan mo. Pinagtulakan mo ako. Pinamukha mo sa akin na ginamit mo lang ako." "And now lumalapit lapit ka like nothing happened." "Bakit huh? Dahil ba mayaman pala ako. Dahil ba anak pala ako ng isang business tycoon. Iyon ba ang dahilan?" He's out of words, puro sor

