"Ma'am, may delivery po para sa inyo." Imporma sa akin ng sekretarya. Isang linggo na akong pumapasok dito sa kompanya ni daddy at isang linggo na din ang delivery ng bulaklak sa akin. Wala namang nakalagay na card o pangalan kaya naman pinapatapon ko lang. Sinabi ko sa flower shop na itatapon ko lang ang bulaklak at sabihin nila iyon sa nagpadeliver sa akin. "Pirmahan mo 'yong receipt tapos ideretso mo sa basurahan," wika ko. Tumango ang sekretarya at lumabas ng silid. Eleven am na ng matapos kong basahin ang ilan sa mga reports galing sa management department. "Ma'am, paalala ko lang po ang meeting niyo ngayon after lunch," imporma ng sekretarya ko. "Where and with whom?" tanong ko. "Sa deluxè, ma'am and with the name of Carl Akihiro," sagot niya. Halos masamid ako sa iniinom

