"I like this one better," komento ng pinsan kong si Irish sa hawak ko na red cut out dress. Siya lang ang kasama ko ngayon dahil ang mas matanda niyang kapatid na si ate Krishna ay busy daw sa boutique. Mamayang gabi pa daw siya puwede. Plano naming mag-clubbing sa valkyrie mamayang gabi para makapag-bonding. Magkaedad kami ni Irish at nakasama ko siya noon sa US. Sabay kaming pumasok sa New York University, kaya naman hindi ako gaano nahirapan mag-adjust. Classmate ko siya, magkasama kami pumasok sa school, sa bar at magkakasama nina kuya na nakikinig sa mga sermon ni auntie Erlin. Pero after graduation umuwi siya ng Pinas, gaya ko ay may tinayo din kasi siyang business na agad niyang ni-manage. Inisa-isa kong tignan ang mga mannequin dito sa isang boutique ng mall. Wala sana ak

