"Scarlet!" "Scarlet!" Ang sigaw at katok sa aking pintuan ang nagpagising sa akin. Gusto ko pang matulog dahil sa pagkirot ng aking ulo. Tinabunan ko ng unan ang aking mukha para hindi marinig ang ingay na nanggagaling sa labas ng pintuan. "Scarlet!" Dinig ko ang galit sa bawat pagtawag niya. Bumuntong hininga ako at tinanggal ang unan na nakatakip sa mukha ko. Alas-siete na ng gabi sa digital clock na nasa night stand. Mukhang napahaba na ang tulog ko kaya highblood na naman siya. Bumangon ako at dumiretso sa pintuan para tumigil na ang pag-iingay niya. Nagkakamot ako ng ulo ng bumukas ang pinto at mukha ng aking auntie Erlin na galit ang bumungad. Well, what would I expect. Ganyan siya lagi sa amin ni kuya, human alarm clock at minsan ay pastora. "Good morning!" bati ko sa ka

