Alam ko ang lahat ng sasakyan na gamit ni Carl pero ewan ko kung bakit umasa ako na siya ang may-ari ng sasakyan na nakahinto ngayon sa tapat. Bumilis lalo ang t***k ng puso ko na kanina pa hindi normal. Mahigpit akong napakapit sa sling ng bag ko at tahimik na nanalangin na sana siya ang lalabas mula sa sasakyan. Pero hindi. Hindi siya ang lumabas sa sasakyan. Sumeryoso ang mukha ko at tinignan ng blangko ang tao na ngayon ay naglalakad papunta dito. Palapit sa akin. "Anak," bungad niya sa akin. Umirap ako at nag-iwas ng tingin. "Ano'ng ginagawa mo dito?" malamig kong tugon sa kaniya. Natahimik siya at hindi agad nagsalita. Nagyuko siya pero tinignan din niya ako agad. May pag-aalinlangan na mababanaag sa kaniyang mukha. Pag-aalinlangang kung paano niya ako haharapin o paano ako

