"Ah, 'yong bayad pala sa i-n-order ko, Carl," wika ko sabay abot ng dalawan-daan sa kaniya. Tinignan niya ang kamay ko na may nakalahad na pera at tinaasan ako ng kilay. Sumeryoso din ang mukha niya kaya naman nailang ako at agad nag-iwas ng tingin. "Don't do that," aniya. "Alin?" maang kong tanong. "When you go out with a boy, let him pay for your food," aniya. "Hindi naman tayo magkasama ah, sumingit ka lang sa pila kanina, magbabayad na ako dapat," paliwanag ko. "At saka sorry naman, first time na may manlibre sa akin," dagdag ko pa. Nakita ko siyang nangisi at nagkamot ng kilay. Kumunot ang noo ko habang tinitignan siya sa ganoong reaksyon. "I always pay for the bill when dining with a woman," aniya. Mas lalo naman kumunot ang noo ko. Tumango ako kalaunan ng matanto k

