"Hindi ko naman na siguro kailangan pang ipaalala sa'yo kung ano ka sa pamamahay na ito, 'di ba?" wika ni madam. Napakaseryoso ng kaniyang mukha na hindi gugustuhin salubungin ng tingin ninoman. Pinatawag niya ako ngayon dito sa kaniyang study room para kausapin. At heto nga, mukhang hindi niya nagustuhan na sabay kaming umuwi kanina ni sir Carl. Wala na din naman kasi akong nagawa ng magpumilit si sir na isabay na ako pag-uwi kahit na sabi ko ay mag-commute na ako. Hindi ko naman nakakalimutan ang lugar ko sa bahay na 'to. Hindi ko naman wina-wala sa isip na isa lang akong katulong kahit na kasama ko si sir Carl. "Sorry po, madam," tanging sambit ko. Ayaw ko na din magpaliwanag dahil baka lalo lang mapasama. At papakinggan ba ang paliwanag ko? Isa lang akong katulong dito. "Good,

