Hindi na ako nagluto ng hapunan nina sir Carl dahil alas-kuwatro pa lang ng hapon ay lumabas sila kasama ng mga kaibigan. Kaya naman maaga na din ako nakapagpahinga. Tapos ko na ang lahat ng aking mga gawain. Alas-siete ng gabi ng mapagpasiyahan ko na maligo na para makapagpahinga na din. Narinig ko na mag-bar sila sir ngayon kaya malamang ay bukas na ang uwi no'n. Taga Manila ang mga kaibigan niya kaya baka sa Manila ang tungo nila. Wala naman akong nalalaman na pang-mayaman na bar dito sa Bulacan. 'Yung pang-high end na tipo. Bitbit ko ang celphone sa banyo, sinasabayan ko ang kanta na nasa playlist ko. Ganito kasi ako maligo kapag gumagamit ako ng salt scrub sa katawan at kapag binababad ko sa kojic soap. Hindi naman ako maitim, maputi ako. Natatandaan ko kasi na laging sinasabi n

