Parehas kaming naghahabol ng hininga. Nanatili siya sa aking ibabaw habang nakasubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg. Dinig na dinig ko ang mabilis na pintig ng aming puso. Parehas kaming tahimik, hindi ko alam ang sasabihin ko o iaasta ko sa mga oras na ito. Napa-isip tuloy ako sa bagay sa ginawa namin. At talaga bang ganoon na ako karupok at nagpadala talaga ako sa init ng aking katawan. Dise-otso pa lang ako at hindi na ako virgin. At ang masaklap pa ay naibigay ko ito sa hindi ko naman nobyo. Napapikit ako ng mariin..Naramdaman ko ang paghalik ni sir sa aking panga, magagaan na halik ang binibigay niya. Nag-angat siya ng tingin at mataman akong tinignan. Hindi ko siya kayang tignan gaya ng hindi ko kayang pagbitaw ng salita o tanong patungkol sa nangyari. Gusto kong magtanong p

