Pagod at lumong-lumo ako na naghintay kay Carl. Alas-tres na ng madaling araw at napagpasiyahan kong umalis na dito. Ngayon ko lang din nakumbinsi ang sarili ko na hindi na talaga siya dadating. Umaasa ako na may eksplenasyon siya kung bakit hindi siya nakarating. Kung bakit hindi siya nagtext o tumawag. Umaasa ako na totoo ang pangako niya, umaasa ako. Naglakad na ako pabalik ng subdivision. Sa guardhouse ay nakita ko si nanay Susan, ate Mely at ate Dona. Nang makita ako ay halos takbuhin nila ako para yakapin. "Ayos ka lang?" tanong nilang tatlo. "A-ayos lang," sagot ko pero hindi ko na napigilan ang humagulgol. Ang bigat ng dibdib ko, sobrang sakit ng puso ko. May parating na sasakyan kaya naman gumilid kami. Pero hindi naman dumiretso papasok ang sasakyan. Huminto ito at nagb

