Maaga akong nagising kinaumagahan. Puyat man dahil magka-text pa kami ni Carl hanggang alas-onse ay maaga pa din akong nagising. Pakiramdam ko lumulutang ako sa saya. Naiiling-iling ako. Alas-singko pa lang ng umaga kaya naman dumiretso na muna ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong magbihis ay nagtimpla ako ng kape namin ni nanay. Siya na daw ang bahala sa kitchen, magdilig na lang daw ako ng halaman sa garden. Agad na akong tumalima ng maubos ko ang kape. Mataas ang energy ko na simulan ang trabaho. Naisip ko na mamayang gabi ay makikita ko na naman ang babe ko. Nangingiti ako habang inaayos ko ang host para simulan ng magdilig ng halaman dito sa garden. Inuna ko ang mga nasa gilid malapit sa may gate. Nang matapos ay sa may malapit ako ng pool nagpunta. Nagulat ako ng m

