Chapter 26

1069 Words

Tatlumpong minuto na akong umiiyak dito sa kuwarto ko ng marinig ko ang katok sa may pintuan. Mula dito ay dinig na dinig ko ang mga boses ni ate na tila nagtatalo. "Dapat siguro sinabi na natin kagabi, naawa tuloy ako sa kaniya." Boses iyon ni ate Mely. "Alam mo namang masaya siya galing kay sir Carl. Sisirain mo pa, mamaya hindi pa iyon makatulog." Boses ni ate Dona. "Sabagay. Nalulungkot ako para sa kaniya, pero dapat magpaliwanag sa kaniya si sir Carl." "Anong ipapaliwanag niya doon? Malinaw naman na may fiancee siya. Tapos anong plano niya kay Scarlet natin?" Mas lalo akong naiyak sa mga naririnig ko na sinasabi nila. Wala naman akong sama ng loob kung bakit hindi nila sa akin sinabi ang nalalaman nila. Kasi ang pinakaunang dapat magsabi sa akin ay si Carl. Pero wala siyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD