Mataas na ang sikat ng araw ng magising kami ni Carl. Walang humpay niya akong inangkin sa magdamag kaya naman pagod na pagod ang katawang lupa ko. "Goodmorning," bati niya sa akin at agad dinampian ng halik. Umangal ako ng palalimin niya ang halik niya. "Nakailan ka na, huh," biro ko sakaniya. Tumawa naman siya at agad ng bumangon. "Mauna ka ng maligo, I'll prepare our meal," aniya. "Ako dapat ang maghanda ng breakfast natin," wika ko at mabilis na bumangon pero napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit ng aking panggitna. Ang mga braso ko, hita at buong katawan ko. "Ako na. Gusto kitang pagsilbihan," aniya. Lumabas na siya ng kuwarto at ako naman ay nagtungo na sa banyo. Dumaan kami sa isang botique kagabi para bumili ng damit ko at undies na susuotin ko ngayon. ... "Bisita

