"Tara na, Scarlet. Doon na tayo sa condo ko," wika ni sir Alwin at tumayo na. Ang dalawang kaibigan niya ay tumayo na din. "What the f**k," mura ni Carl. Nakangisi naman ang mga kaibigan niya sa kaniya. "Hindi ko siya dinala dito para sa'yo, usapan namin ni Scarlet na maglinis siya ng condo ko," wika ni sir Alwin na may ngisi. Saka sila nagtawanan ng malakas ng hilain ako ni Carl hanggang sa may couch. "Umalis na kayo," pagtataboy niya. "Paano, Scarlet. Sunduin na lang kita mamaya," pahabol pa ni sir Jetro bago sila tuluyang nakaalis. Agad naman akong hinalikan Ni Carl ng magsara ang pinto ng condo niya. "I miss you, babe," malambing niyang bulong sa aking tenga. "Alam mo ba na pupunta ako dito?" tanong ko. Umiling siya at hinaplos ang pisngi ko. "Eh, di, hindi pala ako d

